Mga Pahina

Lunes, Hunyo 11, 2012

Heaven Sent for A Day

*This is the script of the mini movie that we made during our 3rd year in college. It includes fallacies, because it was for our Logic class. Uhm, just putting it here so that we could have a copy. Deleting some files in our computer memory hehe..


Heaven Sent for A day

Cr
Erich: Matagal pa ba?
Kim: Sandali na lang eto tlga kita mong nag-aayos.
Maja: Gusto mo hintayin mo na lang kami sa labas.
Erich: Tagal!
Kim: Hindi pwedeng maghintay?
Erich: Dun na nga lang ako sa labas.
Kim: Sige na nga
Maja: Sige hintayin mo kami ha. Bye!

Church (Praying)
Angel/Doctor: Thank you, Lord for sending me to be part of changing these persons let your word be done.

Hospital
Erich: Asan ako?
Angel/Doctor: Dito
Erich: San dito?
Angel/Doctor: Dito kasi wala ka doon *Begging the question*
Erich: Patay na ba ako?
Angel/Doctor: No…Not yet
Erich: Ayoko pang mamatay. Ako lang inaasahan sa pamilya naming. May sakit pa ang tatay ko. At sino na ang pagagalitang ng nanay ko?  *Emotional words*
Angel/Doctor: Relax! You’re not yet dead. You’re just in a state of lethargic inertness. *Prestige Jargon*
Erich: Ano?
Angel/Doctor: You’ll know what to do when the moment comes.

Erich’s house
Erich’s mom: (Singing) oh! (Check the time) omg Errriiiiccccccchhhhhh! (goes upstairs) Erich bangon na dyan! Bangon!
Erich: Ayoko pang pumasok!
Erich’s mom: Anong ayaw mo pang pumasok? Kailangan mong mag-aral! Pag-aaral ang sagot sa kahirapan. Kaya tumayo ka na jan! Laging sinasabi ng lola mo na ang pag-aaral ang sagot sa kahirapan *Repeated assertion*
Erich: Blah blah blah!!!!!
Erich’s mom: Magbihis ka na pumasok ka na sa school!
Erich: Ayokong mag-aral ng accounting!
Erich’s mom: Bakit ayaw mong mag-aral ng accounting? Ang pag-aaral ang sagot sa kahirapan. Tignan mo ang ate mo napromote na naman.
Erich: Paki ko! paki ko! paki ko!  Wala akong pakialam!
Erich’s sister: Ano bang gusto mo? Hindi yan pwede samin ha!  Wala ka kasing alam sa paghihirap kaya hind moa lam. Spoiled ka kasi kaya wala kang alam sa paghihirap. Pwes kami na lang mamimili para sayo *Argumentum ad Hominem* Mamaya mahirapan ka pa. Anong gusto mo? Mag-aral ka ng accounting o lumaki kang mangmang? *False dilemma*
Erich: Nye! Nye! Nye! (Teasing her sister)
Erich’s mom: Eh kung ganyan ka ng ganyan hindi ka makakapasok sa school! Paano mo mapag-aaralan ang mga lessons mo edi babagsak ka sa mga subjects mo? Edi hindi ka makakapag-aral, hindi ka makakapaggraduate. Wala kang makukuhang trabaho. Ano ipapakain mo sa mga anak mo pag nakapag-asawa ka na? Ano na lang mangyayari sa mga apo ko Diyos ko! *Slippery slope*
Erich: Ikaw na magaling!
Erich’s sister: Oh!  (Throw Erich’s clothes to her) bihis ka na! Bago pa atakihin sayo si mommy.
Erich: Hindi muna maliligo? Hindi muna maliligo? Bihis agad?
Erich’s mom: O Erich tapos ka na ba dyan? Aalis na ako mauuna na ako.
Erich: Bye mama! (Talks to herself) Marami naming accountant sa mundo. Kung kaya nila, kaya mo din. Siguro yung mga classmates mo matatalino so kumopya ka na lang sa kanila. Kayang kaya na natin yun. *Rationalizing*

School
Angel:  Uy! Hi miss! Ako nga pala si Angel. Kapitbahay mo. Nagkita tayo noon nung Christmas party.
Erich: Ang weird mo miss wag ka ngang makipag-usap sa akin. (Mom calls) Hello?
Erich’s mom: O Erich mag-aral kang mabuti ha? Kung hindi, hindi ka namin pag-aaralin ng tatay mo. *Argumentum ad Baculum*
Erich: O sige na! dahil Diyos ka edi masusunod ka. Sige na po your highness. Bbye! *Strawman*

Louis and Angel’s Scene
Angel: (While talking to Louis in phone) Honey! Wait lang ha magccr lang ako kita tau sa botanical.
Louis: Sige dalian mo ha.
Angel: Sige. Bbye!
Louis: ok bbye! (Impatiently waiting)
Angel: Hay tumatawag na naman si Honey. Ay wait lang nakalimutan kong maglipstick! Ayan ok na. (Call Louis) Honey! Sorry. Teka lang ha sandal na lang ako sa Cr mabilis na lang to. Sorry ha sige punta na ako dyan. Wait lang. (Arrive in Botanical) Uy sorry! Super late
Louis: Anong oras na oh!
Angel: Busy lang talaga ako sorry tlga pero anyway happy 3rd monthsary! (Grab Louis’ arm and cuddle)
Louis: Alam mo tapusin na lang natin to. Kasi naglolokohan na lang naman tayo eh. Sa huli magbbreak lang din naman tayo. Sa tingin mo kailangan pa ba nating ituloy to? *Poisoning the well*
Angel: Ano bang meron? May babae ba?
Louis: Hindi ako ang lalaking karapat dapat sayo. Marami pa naming iba dyan. Hindi nmn ako kawalan sa kanila. *Argument of the Beard*
Angel: Sabagay. Kung sa tingin mo ikaw lang ang lalake sa mundo, hndi na ako magpapakatanga para ubusin ang oras ko para sa iyo noh! *Rationalizing* (Ran away from Louis. Louis called someone on the cellphone. He passes by Maja and Kim)
Louis: Uy love! Oo tapos na klase naming. Pwede na ba akong pumunta dyan? Sige miss na miss na talaga kita eh. Oo sige nandyan na ako.
Kim: Hay naku, Maja! Tignan mo mga lalakeng yan. Parepareho lang silang manloloko. Pagkatapos paiyakin ang isa, may kasunod agad na iba. *Fallacy of composition*
Maja: Ganun talaga. Ganun na ang panahon ngayon noh!

Angel and Erich’s Scene
Erich: Ano ba yan! Bulag ka ba miss?
Angel: Sorry miss.
Erich: Sorry ha? (Walk away. Reads a letter)

Dear God,
               Manloloko siya! Pagkatapos ng pagsasamahan naming, nagawa lang nya akong saktan. God, I’m so heartbroken! Please send another angel to comfort me. –Angel

Erich: (Shout) Miss!  (Angel looked back and Erich went to her) Miss sorry kung natarayan kita ha? Diba ikaw yung kapitbahay ko na si Angel? Ako si Erich, kapitbahay mo. Anong problema? Bakit parang malungkot ka? Gusto mo pag-usapan natin? Matutulungan kita. Halika.
Angel/Doctor: One down. Two to go!

Sorority Moment
Erich: (Comforts Angel)  Pabayaan mo na yun! Marami pang ibang babae dyan. Wag kang mag-alala bibigyan kita ng lalake. Wag ka ng umiyak. Wag ka ng umiyak. Uyy hello! Wag ka ng umiyak. Tama na. hanggang kalian ka magiging malungkot? Ano b?
Maja: Nandito pala sila. Hi girls!
Erich: Eto nga pala si Angel.
Kim: Ako nga pala si kim.
Maja: Ako si Maja. Hi! Iyan ba yung bagong recruit mo?
Erich: Oo
Angel: Recruit po san?
Maja: Sa sorority namin!
Angel: Diba po hindi tinatangkilik ng mga tagaLa Salliano ang sorority?
Maja: Duh! Hello! Sinong nagsabi sayong bawal? Hindi mo ba alam ang sorority meaning nun kapatiran. *Euphemism* kapag sumama ka sa myembro naming ibig sabihin kapatid ka na namin. Kapag may nang-away sayo kami bahala sayo. Teka lang bakit ang lungkot mo naman? Nagbreak kayo ng boyfriend mo noh? Nakita kasi naming kanina. Gosh! Nakakahiya yun ah.
Erich: Loko talaga to.
Kim: Uy ikaw talaga kung anu ano pinagsasabi mo dyan
Maja: Bakit totoo naman ah!
Kim: Tignan mo oh pinapaiyak mo yung tao. (Hugs Angel) uy tama nay an anu ka ba. Hindi iniiyakan yung mga ganun. *Tokenism* Tama na nga. Kaya alam mo mahina ang tao pag wala siyang sorority. Kailangan mo ng kasama para magtanggol sayo. O pano sali ka na samin? *Poisoning the well*
Angel: Sige po.
Kim: Para makasali ka, kailangan mong dumaan sa initiation.
Angel: Anu pong gagawin ko?
Kim: Ganito lang yan. Kailangan mong humanap ng isang guy na papasa sa standards naming at kailngang mainlove cya sayo para makaganti ka dun sa manlolokong lalake na nanakit sayo. Tpos kailngan idump mo siya pag nainlove siya sayo.
Angel: Sige po.
Kim: So ano? Call ka ba?
Angel: Sige po
Maja: Ay wait girls kailangan ko ng umalis
Erich: Teka lang
Maja: Sorry naman. Hahaha oo na sige na dito na ako.
Angel: Umm una na po ako kasi may klase pa po ako eh.
Maja: Bye!
Kim: See you around!
Maja: Ano? Sus naman! Kukuha lang kayo ganun pa! San naman yun galing? Bakit naman ganun? Ang Neird kaya ng itsura. Kaya siguro iniwan siya ng boyfriend nya
Kim: Ikaw talaga!
Maja: Ano magagawa ko yun naman talaga tingin ko sa kanya. Alis na talaga ako
Kim: Ganda ng relo mo ah!  Bago yan noh?
Maja: Siyempre! Oo naman! Swatch kaya yan. Galing pang Germany. Sabi nga sa commercial (Having a hard time recalling) “You have to have the best” para you know hindi ka malate. *Meaning from association*  O sya sige na! I has to go na. I’m going to taught English to Korean pips pa eh. *Misuse of Authority*  Bye!
Kim: Sira! “I have to go!” at hindi “Taught”, Teach!
Maja: Hay naku! Ganun din yun. Wag kang basag trip! That’s the same manner. Bye
Kim: Tignan mo yun! Naging tutor hindi naman marunong magEnglish diba? O ito nga pala yung notebook mo. *Diversion*
Erich: Ayan! Sus salamat naman.
Kim: Ito naman parang hindi na ibabalik eh.
Erich: Tara! Lakad muna tayo.

Erich’s House
Kim: Lecheng buhay to oh!  Pupunta ka na nga lang ng bahay may (shout). Mga bwisit!  Kainis eh. Erich!
Erich: Bakit ang tagal mo?
Kim: Kasi naman eh peste dun sa bahay! Ano ba? Tuloy ba tayo?
Erich: Oo naman. Asan?
Kim: May dala ako.
Erich: Halika! Wag mong papakita sa nanay ko.
Kim: Nandito ba nanay mo?
Erich: Oo. Siyempre.
Kim: Mga bwisit talaga sa buhay natin.
Erich: Upo ka muna dyan.
Kim: Sige. Hoy! Bilisan mo ha!
Erich: Kunin ko lang yung pambayad.
Kim: Panget panget naman nitong Maricar Reyes na to. Pacover cover pa eh. Hoy matagal ka pa ba dyan?
Erich: Nasan ba wallet ko? Hay! Hindi kasi naglilinis eh! Gosh! Sulat na naman! Diyos ko bakit ba?

Dear God,
               Patawarin ninyo po ako kung galit po ako sa tatay ko dahil sa ginawa nya samin. Sana bigyan ninyo po ako ng kaliwanagan. Umaastang astig lang ako kasi ayokong ipakitang mahina ako at nasasaktan. –Kim

Erich: Diyos ko! Problema din pala tong kaibigan ko eh! San kaya kami pwedeng mag-usap. Dito kaya. Dito na lang sa stock room. Halika na!
Kim: Ano tara na? Kanina pa nga ako painom n painom eh.
Erich: shhh! Nandyan nanay ko.
Kim: San ba nanay mo?
Erich: Tulog.
Kim: Wala ng maririnig yan. San ba tayo?
Erich: Sa stock room. Dun tayo.
Kim: San?
Erich: Ay teka lang kukuha lang ako ng baso.
Kim: Ano ba to iinom walang baso. Oi pati yelo ha. Pastock room stock room pa. Tagal naman noon oh
Erich: Dito tayo. Baka Makita tayo. Sige pwesto ka na dyan.
Kim: Buksan na natin to ha. Simulan na natin to!
Erich: Uy grabe! Straight ah!
Kim: Oh bakit hindi mo ginagalaw baso mo? Anu ok lang?
Erich: Ikaw nga dapat kong tanungin eh. Ok ka lang ba?
Kim: Sus! Ako pa! Ikaw talaga.
Erich: Alam mo bes hindi mo kailangang maging matapang palagi.
Kim: Ano bang pinagsasabi mo bes?
Erich: Alam mo nagrerebelde ka. Dahil nung iniwan kayo ng tatay mo dahil sa ibang babae at galit na galit ka sa kanya at nung bumalik siya tinanggap pa din siya ng nanay mo. Yun naman talaga yung essence ng sorority natin eh. Na kahit may problema tayo mukha pa din tayong astig dahil sa sorority natin.
Kim: Hindi totoo yan ah! Sige nga patunayan mo yang pinagsasabi mo. Tignan mo na. Hindi ako nagrerebelde. Talagang ayoko lang ng tatay ko sa buhay ko at sa buhay ng nanay ko dahil sa paulit ulit nyang pagpapa-iyak sa kanya. *Contradictory arguments* Sa tingin mo ba talaga bes kailangan ko siyang bigyan ng isa pang pagkakataon? Pagkatapos ng lahat?
Erich: Oo naman. Kung hindi siya naging ama noon binabawi na nya ngayon. Kailangan mo talaga siyang patawarin.
Kim: Alam mo madami na din siyang sinakripisyo sa amin. Salamat sa pag-unawa mo sakin ha. Thank you talaga bes ha. Alam mo siguro nga. Tama ka dapat ko nga siyang bigyan ng isa pang pagkakataon.

School
Erich: O kamusta naman yung tinuturuan mo?
Maja: Ok naman! Marunong na sila.
Kim: Woooh! Para naming may natututunan.
Maja: Siyempre magaling kaya teacher nila.
Kim: Weeh? Hahahaa kaw pa?
Erich: Uy si Angel ata yun oh!
Kim: Saan?
Erich: Yun oh! Ung may kasamang lalake
Kim: Oo nga noh
Maja: Infairness ang gwapo ng kasama nya ah.
Kim: Sabagay!
Erich: Hala ka Kim! Baka ginagawa niya yung inuutos mo. Yung initiation.
Maja: Oo. Sasaktan niya pa ata yung lalake.

Phil and Angel’s Scene
Phil: Uy Angel!
Angel: Phil.
Phil: Hi Angel! Sasama ka ba sa reunion?
Angel: Oo.
Phil: Ah. San nga ba yun ulit?
Angel: Sa…Kita kita tayo sa Robinsons tapos dun simula dun.
Phil: Ah. Gusto mob a sunduin na lang kita sa inyo?
Angel: Sige. 8am?
Phil: Ok lang
Angel: Thank you ah.
Phil: Gusto mo ba after nun nood tayo sine?  Gusto mong manood ng movie?
Angel: Anung movie?
Phil: Uhmm ung new love ba yun?
Angel: New love? Ahh! Sige! Favorite ko yung artista dun.
Phil: Ah sige ha nood tayo ha.
Angel: Oo sige. Promise! Uy! Bago bag mo ha! Violet parehas tayo oh!
Phil: Ah oo nga noh? Sakto!
Angel: Ayy!
Phil: Oh ayos ka lang?
Angel: Oo ok lang.
Kim: Hala e dare lang naman yun eh hindi ko sinasadya yun.
Erich: Parang gagawin nya eh
Maja: Eh gusto mo rin kaya yun. Para makaganti ka din sa mga lalake at sa lahat ng pananakit sa inyo ng tatay mo. *Two wrongs make right*
Kim: Hindi naman yun ang intension ko guys eh
Maja: E mukhang nagawa na nya eh
Kim: Ano? Anong gagawin natin? Pano?
Erich: Kailangan natin siyang pigilan. Ngayon na.
Kim: O tara na!
Angel: Bbye Phil! Thanks sa paghatid ha. Una na ako.
Erich: Angel!
Angel: Hi guys!
Kim: Uyy!
Maja: Sino yung kasama mo kanina?
Angel: Si Phil
Erich: Kung ano man ang binabalak mo wag mo ng ituloy.
Angel: Diba hindi naman po masama kung subok ulit? *Argument of the beard*
Kim: Uy sori talaga hindi ko pinlano ang lahat ng iyon. Hindi ko dapat pinagawa sa iyo yun eh.
Erich: Alam ko nasaktan ka ng ex mo pero hindi dapat na manakit ka din ng iba.
Angel: Hindi. Hindi ko sasaktan si Phil. Kaklase ko ko siya nung elementary at alam kong mabait siya.
Kim: E papano yung sinabi ko sayong initiation?
Angel: Sus! Wala yun.
Maja: Akala naman naming
Kim: Grabe sobra na yung guilty na yung nararamdaman ko.
Erich: Kami may kasalanan nun noh.
Kim: Ikaw ha!
Angel: Tara dun muna tayo. Pag-usapan natin si Phil.
Erich: Basta we’re happy for you.

Hospital
Maja: Uy gising na si Erich!
Kim: Uy ano ok ka lang ba? May masakit ba sayo?
Maja: Grabe kamo acting mo kanina. May pahimatay himatay ka pa hahah
Kim: Ikaw talaga! Parang walang masamang nangyari sa kanya ah.
Maja: Siyempre. Alam mo ba talaga kung ano ang nangyari kanina? Ayon nagulat siya tapos nakalimutan niyang huminga o di kaya barado yung ilong nya kaya ayon nawalan ng oxygen yung brain nya kaya hindi nagfunction diba? Iyon ang theory ko kaya ikaw Erich magpacheck up ka na sa ENT.
Erich: Asan si Angel?
Maja: Huh? Sino si Angel?
Kim: Hoy wala ka pa sa langit naghahanap ka nan g anghel.
Erich: Si Angel!
Maja: Wait ha puntahan ko lang yung doctor.
Kim: O sige. Dito lang ako. Ano ok ka lang ba talaga?

Dear God,
               Peste talaga tong buhay na to. Nakakarindi na si nanay at si ate! Sana makatapos na ako ng pag-aaral at talagang lalayas na ako sa amin! Paunawa na lang po. Hindi ko na po talaga kaya! –Erich

Erich: Ito, Ito yung sulat na natatanggap ko.
Kim: Ano bang sulat ang sinasabi mo jan?
Erich: Ikaw nga nagbigay ka din ng ganto sakin eh
Kim: Ako? Wala naman akong binibigay sayong ganyan. Alam mo baka dahil lang yan sa pagkahimatay mo. Sigurado ka bang ok ka lang?
Erich: Sigurado talaga akong may sulat akong natatanggap.
Maja: Kamusta na po ba yung kaibigan naming?
Angel/Doctor: Under state lang po sya ng shock.
Erich: Diba ikaw yung nagbibigay sakin ng ganito?
Angel/Doctor: Excuse me po?
Erich: Ikaw yung nagbibigay sakin. Binigyan mo ako
Angel/Doctor: Tension lang yan ng pagkadisgrasya mo. Bakit kita bibigyan ng sulat? E ako yung doctor mo. At saka wala kang malay panu kita bibigyan ng sulat?
Maja: Ngayon lang kayo nagkita.
Kim: Oo nga
Maja: Anu ka ba bakit mo nasasabi yan?

Erich’s House
Erich’s mom: Hay nakakapagod! Teka bakit parang kinakabahan ako? Nasan na kaya yung mga anak ko? Tara hanapin kapatid mo! Bilisan mo!
Erich: Ma! Ma! Uy ma! San kayo pupunta?
Erich’s mom: Uy Erich! San ka galling?
Erich’s sister: Akala namin nasa hospital ka?
Erich: Oo pero ok na ako. Wag na kayong mag-alala. Akala ko kinalimutan niyo na ako.
Erich’s mom: Anung pinagsasabi mo dyan?
Erich: Wala lang kasi nararamdaman ko lang. Alam ko namang mahal na mahal niyo ako.
Erich’s mom: Ang anak ko talaga!

Walang komento: